Writer Wednesday: Libro by Gracia Lopez

Posted: September 21, 2011 in Author Wednesday
Tags:

Gracia Lopez is OMF Lit’s Retail Supervisor, Team Leader of OMF Lit Bookshop Pergola, and lovingly referred to as “Prinsesa ng Pergola”. She shares how it is to be a book lover and working in a bookshop too. Oh, and she models for some of our collaterals too! (see picture below)

=======================================================

Galit na si ate. Sabi nya kase magkita kami sa grocery pero nandito pa din ako sa tindahan ng mga libro. Maski saan ako mapunta yun ang una kong hinahanap. Haharap ako sa directory ng mall at titignan ko kung anu-ano yung mga bookstore ang nasa loob. Kaya madalas pag makikipagkita ako, advance ako ng isang oras para makapunta muna ako sa mga tindahan ng libro.

Sakit ata ito. Kung saang industriya ka nagtratrabaho gusto mong tignan yung ka-kumpetensya mo. Ikumpara kung anu-ano ang ibenebenta nila o kaya naman pano sila magserbisyo. I work in a bookshop. Kaya nababasa kong lahat ng mga gusto kong libro.  Mapa-inspirational, biography o kaya naman fiction, sky is the limit talaga. One-to-sawang pagbabasa, samahan mo pa ng kape at duyan ayos na talaga.

Parati din akong may baon na libro. Sa  bag ko, 1  hanggang 2 libro para kung sakaling matapos ko yung una ay may maisusunod agad ako. Oo alam ko uso na ang mga e-Reader, Kindle, Nook at minsan ko na ring binalak na bumili  pero iba pa rin ang pakiramdam pag may hawak kang libro. Sa gitna ng nagbabagong teknolohiya ay old school pa din ako pagdating sa mga libro. Mas gusto ko pa ring nahahawakan, naamoy at nai-didisplay sila  sa itaas ng kama ko. Araw-araw napapaligiran ako ng mga libro, madaming piso at mga book shelves na mas matangkad pa sa akin. Pero kahit ganun, di pa din ako nagsasawa sa mga libro.

Mahirap ba?  Yan ang tanong ng iba.  Sbi ko hindi naman, ansaya nga eh. Buruin mo binabayaran ka para gawin yung pinakagusto kong gawin!  Ang magbasa at ikwento ito sa iba. Madaming nag aakala na ako ang may ari ng bookstore – yung isang customer ko nga, kausap nya yung asawa nya sa cellphone at sabi nya, “puntahan mo ko dito sa 2nd floor , andito ako sa bookstore ni Gracia.”  Ako na talaga ang owner.

Sinusulat ko din yung mga pangalan ng mga customer ko araw-araw. Sa ganitong paraan  ko kase natatandaan yung mga pangalan nila. Praktis din ito ni  Eric at  Mike, di naman kase lahat pwede ko matandaan. Unique daw ang pangalan ko kaya di nila makalimutan –Gracia, Graxia, Grasya, Garcia,  Grace, Gara atbp. Iba man ang ispeling ok lang basta ang importante matandaan nila na ako yung nag assist sa kanila.

May mga nagtatanong kung may opening pa daw ba sa OMF.  At ang parati kong isinasagot: mam/sir –di pa po kase ako mag-reresign…sabay tatawa at magpapaliwanag na di naman daw ganun ang ibig nilang sabihin. Marahil natutuwa lang sila sa akin, para kaseng interesado silang kunin yung trabaho ko.

Naging model na rin ako – sa poster namin, na inilagay sa lahat ng branches ng bookstore. Dati rati panay ang emote ko sa Marketing para gawin lang akong model aba’t dumating din ang pagkakataon.

Madaming bumati sa poster ko at nailagay din sya sa FB ng kumpanya at ngayon naman sa flyers at ad ng isang magasin. Isa lang ang nasa isip ko…Print ngayon, EDSA bukas!

May mga nagtatanong din – di ka ba lugi nyan? Pinapabasa mo yung mga libro kahit di naman bibilin. Siguro sa tingin ng iba oo, pero sakin hindi. Kase kapag nagbasa ka ng libro at nagustuhan mo, di man sya bilhin ngayon eh ikukwento mo sya sa iba. At dahil nagandahan ka yung taong pinagsabihan mo pupunta sa store at bibilin yung libro. In the end, dalawa na agad ang benta ko.

Madalas din ang “reunion” sa store. Lahat ng mga may paborito kay Max Lucado, RC Sproul o kaya naman kay John MacArthur madalas magkakasamang pumupunta lalo na kapag may dumating na bago nyang libro. Masarap kausap yung mga ganitong customer, kapareho kong adik sa libro. Tinatanong ko kung sino ang paborito nilang author baka kase pareho kami o kaya naman me iba silang kilala na magaling din. Madami kang mapupulot sa  usapang ganito, di mo man nabasa yung libro eh me masasabi ka kapag sa susunod na may magtanong sayo.

Andaming libro.  Natapos mo na ba yung librong binabasa mo?

Masarap isipin na may nagagawa sayo ang pagbabasa.

Sabi dun sa isang pelikula, “you are what you read”.

Nagbabago ba ang pananaw mo pagkatapos mo basahin ang isang libro?

O kaya naman gumagaang ba ang loob mo habang binabasa sya?

Nagalit ka ba o kaya nama’y naiyak sa mga kwento nya?

Naka-relate ka lang ba o may nabago sayo? Application makes all the difference.

Subukan mo na pagkakatapos mo basahin ang isang libro ay mailapat mo agad yung mga nakuha mong ideya, aral o natutunan sa bawat pahina nito. Para di masayang ang panahong ginugol sa pag gawa ng mga libro at ang perang pinambili mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s