Author Wednesday: An Excerpt from Hula, Multo, Faith Healing ATBP

Posted: November 2, 2011 in Author Wednesday

 

Hula, Multo, Faith Healing ATBP by Pastor Hiram Pangilinan is an expose into some traditional Filipino practices that are actually occult and how people can break free from these through the saving power of Christ.

In this excerpt, Pastor Hiram briefly talks about what occult means and shares the story of Mark, an example of someone who was delivered from the occult and is now living a victorious life

======================================================================================

PARA SA MARAMI SA ATIN, ang salitang “occult” ay bago sa  pandinig natin. Kung titingnan natin sa dictionary, ang occult ay maaaring unawain bilang isang noun, adjective at verb. Bilang noun, ang ibig sabihin nito ay “supernatural, mystical, or magical beliefs, practices or phenomena.” Bilang isang adjective, it means “of, involving, or relating to supernatural, mystical, or magical powers or phenomena” at “beyond the range of ordinary knowledge or experience; mysterious.” At bilang isang verb, occult means “to cut off from view by interposing something.”*

Ayon naman sa Webster’s dictionary, ang ibig sabihin ng “occult” ay “to shut off from view or exposure: to cover” and as “not revealed: secret.” It comes from the Latin word occultus which means “clandestine, hidden, secret.”

The occult is about secrecy. So maaaring napasali ka dito nang hindi mo namamalayan. And by the time na malaman mo, trapped ka na at hindi na makawala.

Si Mark ay isang halimbawa kung paanong ang isang tao ay napasok nang unti-unti sa occult nang hindi niya agad namalayan. He thought that by doing them he will come out better, but was he wrong! Here is his account:

Naghiwalay ang mga magulang ko noong two years old pa lang ako. My father had custody of me and my older brother. Later on, my father lived with another woman.  Eventually, nagkaroon din sila nang dalawa pang anak. Our stepmother was cruel to us. She loved her own children more than us. Our father, who was a seaman, gave us money but not love. Ang stepmother naman namin ay nilustay ang mga pera na padala ni Tatay. Dahil dito ay naghirap kami.

I was 15 when we were forced to leave our comfortable house. Kinailangan naming lumipat sa mas maliit na apartment. It was at this point when I started questioning the existence of a good God. Maraming mga tanong ang naglaro sa isip ko: Bakit kami naghirap? Bakit nasira ang pamilya ko? Ilang beses ako nagtangkang magpakamatay noong mga panahon na yun. I slit my wrist and took an overdose of drugs, pero hindi ako namatay. Mabuti na lang!

But it was at also this time when my father surrendered his life to Jesus Christ, and became a Christian. He wanted his whole family to become believers too. So he brought the pastor of the church to lead us all in a Bible study. Pero di ako umattend. I was full of bitterness and rebellion over what has happened to us.

Nung 16 years old ako, nagkaroon ako ng girlfriend. Tawagin natin siyang Rosa. Kinabaliwan ko siya at kaya ko nasabi ito ay dahil para akong nababaliw dahil sa kanya. Hindi ko siya maalis sa isip ko; maski sa panaginip ko ay pumapasok siya. Later on, I learned from our housemaid (who later on admitted to me that she was a practicing witch) na ginamitan ako ni Rosa ng gayuma o love potion para mapasakanya ako.

Ito ang masaklap — matapos na ako’y mabaliw sa pagmamahal kay Rosa ay nakipag-break naman siya sa akin! Na-depress ako nang todo, kaya’t may mga times

na aakyat ako sa bubong ng apartment namin ng alas-tres ng madaling araw para lang umiyak nang umiyak.

Sa sobrang lungkot ko, isang araw ay pumasok ako sa kwarto ko at nagsabi, “Ang unang magpapakita sa akin dito sa kwartong ito, Diyos o diyablo, I will follow.”

Instantly, I heard voices and two demons appeared — 13-foot-tall beings. Ang papangit nila! So I told them that if they want me to look at them, they had better change their ugly looks. And they did. They appeared to me in formal suits. Naka-Amerikana pa! And they promised to give me power if I will give my soul to Satan. I agreed. They gave me power alright! Ang first level ay astral projection. Kaya kong lumabas mula sa katawan ko bilang kaluluwa. This way I can eat without having to get out of bed.

Nang makita ko na talagang may powers na ako, ang una kong ginantihan ay si Rosa. Kinulam ko siya. The effect on her was instant! Her sister told me that Rosa’s face and skin appeared all burned and she was in terrible pain. Apparently, they knew that I had something to do with this strange sickness. Dahil naawa naman ako, I released her from the spell. Her face and skin were restored instantly!

Nagkaroon ng pagtatalo sa isip ko dahil sa mga nakita kong ito. Naisip ko, kung merong diyablo, e di dapat ay meron ding Diyos. Kaya sinabi ko sa dalawang demonyong nagpakita sa akin, “Mayroong Diyos!” Sumagot sila, “Wala. Si Satanas lang ang tunay.”

Nagtanong uli ako, “E, sino si Jesus?” (Madalas ko nang naririnig ang pangalan ni Jesus sa bahay namin dahil sa tatay ko na naging Christian na.) Biglang nawala ang dalawang malalaking demonyo sa harapan ko pagkasabi ko ng pangalang Jesus. Parang nataranta. Maya-maya ay nagpakita sila uli. “Huwag mo nang babanggitin uli ang pangalan na yan, kundi ay sasaktan ka namin!”

Their frightened response only stirred my curiosity about this Jesus. Around this time too, our housemaid (the one who was into witchcraft) gave me a book of prayers. Pero kakaiba ang mga prayers na nandito. Hindi ko naiintin- dihan ang mga nakasulat. Latin daw siya, at may iba’t ibang mga prayers ang nakasulat dito na kailangan ko lang banggitin. It offered me more powers. Paglaon, kaya ko nang maging invisible at manakit ng mga tao.

In a short time, I was taken to another level of power. Now, I can command total strangers to do things that they would not normally do, simply by establishing eye contact with them. It was hypnosis. (Ito daw ang isa sa mga paraan na ginagamit ng budol-budol gang na marami nang nanakawan sa Pilipinas. They call it robbery by hypnosis.)

Ang isa pang level ng power na naranasan ko ay yung telekinesis. Ito yung kakayanan na makapagpagalaw ng mga bagay maski na hindi mo sila hinahawakan. They call it power of the mind, pero ang katotohanan ay may mga espiritu na nagpapagalaw nito. Syempre, hindi naman nakikita ang mga espiritu. Dahil sa telekinesis, I could turn the lights on and off, close and open doors, and other stuff.

But that was the end of it! I didn’t want any of it anymore. So I said to the devil, “Ayoko na!”

When I turned 18, nag-attend ako sa Bible study sa bahay namin. There, I surrendered my life to Jesus, and received Him as my personal Savior and Lord. That was the radical turning point in my life. Binago ni Jesus ang buhay ko — lahat ay nagsimulang gumanda! Napuno ng pag-ibig ng Diyos ang puso ko, at para bang natunaw ang lahat ng galit at rebelyon. Hindi na ako galit sa buhay. Life has found its meaning.

Pero ang mga demonyo na nag-guide at nagbibigay ng kapangyarihan sa akin noon ay umuusok sa galit! For about one year, they stalked me. They would turn on the TV at 3 am. Play the radio with backward music, and even move my bed. They harassed me and attempted to hurt me. Minsan nga, inalis pa nila ang protective cover ng electric fan ko, pinakawalan ang propeller at pinalipad papunta sa akin. But amazingly, there was an invisible shield that blocked it.

Mabilis na pinalaya ako ng Diyos mula sa lahat ng mga occult practices na napasukan ko. Sinunog ko ang book of Latin prayers (sa totoo lang, dapat ang tawag dito ay “Latin curses”). Natuto ako na manalangin ng mga warfare prayers at nagpapalayas na din ako ng mga demonyo gamit ang pangalan ni Jesus. I would rebuke them, and remind them of their destiny, which is the lake of fire. And sure enough, these demons stopped.

There is definitely power in the name of our Lord Jesus Christ!

Dito ko natutunan ang isang napakahalagang bagay — MABAIT ANG DIYOS! At hindi totoo ang sinasabi na walang kapatawaran ang taong nakipagkasundo kay Satanas. I made a pact with the devil, and Jesus still forgave me when I confessed my sins to Him. No sin is beyond the forgiveness of Jesus! I am a living testimony to that truth! In 1 John 1:9, it says, “If we confess our sins, he (Jesus) is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.”

God is now using me in spiritual warfare. He has allowed me to use His gifts of discernment and allowing me to see visions in the spirit realm. Indeed God is great and good!

What a wonderful testimony of the power of God’s love to save and deliver! No power of the occult is too strong for God. He has come to save mankind from all the traps and tricks of the Devil.

We need to understand that God only has the best intentions for us. He does not want to see us hurt. Kaya Niya pinagbabawal ang anumang occult practice ay dahil ayaw Niyang maloko at masaktan tayo ng Diyablo.

Sa kuwento ni Mark, nakita natin na binigyan si Mark ng iba’t ibang kapangyarihan ng Diyablo — pangkukulam, astral projection, telekinesis, hypnosis, at iba pa. And Mark took them all in the belief that they will benefit him. But the Devil does NOT give anything to us for free. Palagi siyang may hihingin na kapalit para sa anumang ibibigay niya na handog, at iyun ay ang ating mga kaluluwa. Kaya’t nang kumalas si Mark kay Satanas at isinuko niya ang buhay niya kay Jesus, ay nagalit si Satanas! Pero wala rin namang kayang gawin si Satanas sa isang taong pumanig na kay Jesus. Si Jesus ay nagtagumpay na, at Siya ngayon ay naghahari!

=====================================================================================

Hula, Multo, Faith Healing Atbp is an original OMF Literature title. It is available for P225 at all OMF Lit Bookshops, Philippine Christian Bookstores, National Bookstore nationwide.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s