Writer Wednesday: The Book That Made Wennielyn Read Forever

Posted: August 15, 2012 in Author Wednesday

Last July, to celebrate National Children’s Book Day, we asked you to send us your stories about the books that got you started on your reading adventure. Judges had a hard time choosing from among all the entries. The stories varied: some were humorous, some were touching, some were dramatic and some heartfelt.

In the next few days, we’ll be sharing some of the winners and their stories with you. We hope you’ll enjoy them as much as we did

Wennielyn Fajilan

 

Dahil Kay Santa Bikbik

 

Ako ang nanay ni Bikbik. Iyan ang lagi kong sinasabi sa mga kalaro ko tuwing nagpoprotesta sila pag tatapusin ko agad ang paglalaro ng piko. Paano raw ako magkakaanak, 10 taon pa lang ako?

Tuwing hapon, pinapaliguan ko si Bikbik, ang alaga kong baboy. Binabato ko siya ng tabo-tabong tubig, kinikiskis ng may sabong eskoba ang makapal niyang balat saka babanlawan. Papakainin naman siya ni Tatay ng kaning baboy. Kailangan lagi siyang busog, kailangan lagi siyang malinis. Kapag busog at malinis, masarap siyang panoorin kasi nakangiti kung matulog.

Ang sabi ng kuya ko, wag na wag ko raw pangalanan si Bikbik dahil madali raw mawawala ang alaga ko. Hindi ko naintindihan iyon hanggang sa araw na kinakatay ang aking alaga para ibenta. Naiyak ako habang naririnig ang matining niyang iyak. Ayoko na uling tumulong sa pag-aalaga ng mga baboy ni tatay.

Ilang linggo pagkatapos mawala ni Bikbik, pinahiram ako ng kaklase ko ng aklat na Ang Unang Baboy sa Langit ni Rene Villanueva. Puro teksbuk lang ang pinababasa sa amin. Noon lang ako nakakita ng librong pambata, tungkol pa sa baboy!

Paulit-ulit kong binasa ang kuwento ni Butsiki, ang baboy na gusto ng kalinisan. Naalala ko si Bikbik sa pagbasa ko ng buhay ni Butsiki. Parehas silang laging malinis. Parehas silang laging nakangiti. Naisip ko na parang umakyat rin sa langit si Bikbik gaya ni Santa Butsiki. Nang mamatay ang alaga ko, nasalba niya ang pag-aaral naming magkakapatid.

Salamat kay Butsiki, naintindihan ko ang pagkawala ni Bikbik. Tumulong na uli ako sa pag-aalaga ng mga baboy pero hindi ko na sila pinangalanan at di ko pinanood kapag natutulog. Nakilala ko na rin sina Maria Makiling, Lam-Ang at napakarami pang tauhan sa mga aklat nina Grimm, Andersen at maging mga modernong nobeleta ni Pascal. Lahat ng ito buong ingat kong hinihiram

Advertisements
Comments
  1. […] Over the next few days, we’ll be posting the answers of our 5 winners. To read the first winner (Wennielyn Fajilan), click here. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s