Review Thursday: Lovestruck Singles Edition Reviewed by Rigel Fortaleza

Posted: October 4, 2012 in Review Thursday

Lovestruck Singles Edition, a review by Rigel Fortaleza

Graduate na ako sa Puppy Love at matagal ko nang sinuotan ng imaginary blinders ang puso ko. Gusto ko kasing ipreserve ang sarili ko dahil alam kong “the one” ako ng “the one” ko. Masyado ring mataas ang standards ko at wala akong pinapasa.  Matibay masyado ang bakod ko dahil ayaw kong masaktan at matulad sa iba. Binaling ko sa iba’t ibang bagay ang atensyon ko hanggang sa hindi ko na iniisip ang lovelife ko. Dadating din yan – yan ang motto ko. Para sa akin, hindi ko ito kailangang pagtrabahuhan. Passive na paghihintay.

Marami sa aming mga singles o young professionals ang takot dahil sa commitment. Sa pag-aasawa pa lamang at kaakibat nitong mga responsibilidad ay atras na ang madami. Ang iba naman ay deny to death at ayaw aminin na gusto rin nilang magmahal at mahalin. Ang ilan naman ay sige lang nang sige at walang pagpapahalaga sa pusong dapat ding alagaan. Distorted na kasi ang “pag-ibig” sa pandinig dahil sa iba’t ibang karanasan. Kaya marami sa amin ay hindi handa at hindi naghahanda. Marami sa amin, lalo na sa mga babae ang walang makita. Nakakalungkot lamang isipin na kung kelan pwede na naming isipin ang lovelife ay saka naman ito nasisira.

Nang nabasa ko ang Lovestruck Singles Edition, parang naging pula ulit ang mga namuti kong red blood cells. Tila nakaharap ako sa salamin nung binabasa ko ang libro sapagkqt nakita ko ulit ang pagkaka-disenyo sa akin ng aking Manlilikha. Nakaka-excite! Nalaman ko rin kung paano ako lalu pang makatutulong sa aking “the one” dahil nabatid ko kung paano siya nilalang ng Diyos at paanong kami ay magkatugma. Ang ganda!

Muli kong natanaw ang totoong kulay ng pag-ibig. Sa kariktan nito’y hindi ko dapat itanggi na nais ko itong maranasan. Hindi na dapat maging in denial pa dahil nilikha rin ako para magmahal. Naging bukas ang isip ko nang nabasa ko ang libro. Mas magiging ako si ako. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa perpekto Niyang plano. Tunay nga na mahal Niya tayo.

Ang aklat na ito ay highly recommended sa mga singles. Napakapraktikal at true-to-life ng mga natutunan ko sa libro para maghandaan ang bagay na ito. Para sa akin, hindi lang ito makakatulong kung paano ko pakikitunguhan ang aking “the one” sa future. Ngunit pati kung paano ko pakikisamahan ang mga kapwa ko singles.

Na-lovestruck ako! Ngayon, hindi lang ako passive ma maghihintay ngunit actively na maghahanda para sa magandang plano ng Panginoon. Masmakakatulong ito sa akin para maging “the one” ng “the one” ko. Salamat sa librong ito at pinalaya ako sa mga myths na inakala ko ay totoo.

==================================================================================

The best-selling author of Lovestruck and Pass or Fail is back and this time, Ronald Molmisa will have a heart to heart talk with the young and single with Lovestruck Singles Edition.

Using the same wit, humor and wisdom in a language that young people can relate to, Kuya Ronald discusses relevant topics like

          • Sensationally Single
          • You Were Born this Way
          • Nanliligaw o Naliligaw?
          • Usapang M.U.,First Moves at Online Romance
          • How Do I Love Thee? Let Me Count the Ways . . .
          • Love versus Zombies
          • Single and Ready to Mingle
          • Before You Say “I Do”

Advertisements
Comments
  1. Reblogged this on Random Goodness and commented:
    Singles in the house!!!!!! It’s a wise choice to pause and give time to read this review. Thank you =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s