What Kind of Single Are You?

Posted: February 19, 2013 in Digital Books
Tags: , ,

ipad-frame_LovestruckPresenting…the singles! In this excerpt from the bestselling Lovestruck: Singles Edition, dare ni Ronald Molmisa sa mga singles na alamin kung saang grupo sila under. Di kailangan matakot. Silipin natin ang iba’t-ibang reasons sa likod ng iisang status!

Kung type ninyong basahin ang Lovestruck: Singles Edition, available na rin ito in digital format sa Amazon at Flipreads. Perfect for your gadgets!

 

 

 

The Huwag-Na-Muna Squad

Sila ang talagang hindi pa qualified pumasok sa relasyon dahil wala pa sila sa tamang season ng kanilang buhay. Kailangan nilang unahin ang pag-aaral para makahanap ng maayos na trabaho. Madidistract lang sila ng romantic relationship kaya huwag na muna.

The Tsaka-Na-Breadwinner-Kasi-Ako-O-di-pa-Ako-Ready Group

Sa dami ng puwedeng gawin na responsibilidad sa buhay, sila ang nagdesisyon na i-delay ang pakikipagrelasyon o pag-aasawa. Kabilang dito ang mga nagtatrabaho at sumusuporta sa pamilya nila. Ang iba, gusto munang i-enjoy ang buhay binata/dalaga bago lumagay sa tahimik. They enjoy being single while others dream of having an established career.

The Uber Busy Cluster

Sila ang walang panahon para sa romantic endeavors. They are simply too busy to be in love. They work all day at pag-uwi sa bahay ay matutulog na lang.

The High Value Group

Mataas ang standards nila sa future partner. Ito ang mga pihikan. Dahil malaki ang sweldo, may lifestyle like the rich and famous, at kayang-kaya magpamilya anytime. Gusto nila ng kapartner na kapantay ng kanilang “halaga.”

The Wala Talaga Circle

Para sa mga babae, hindi dahil sa ginusto nilang maging single kundi dahil wala pa silang natatagpuan na bibihag sa kanilang puso. Inaakala din nilang lahat ng eligible men ay taken na. Ang counterpart naman nito sa mga lalaki ay ang “The Always Basted” clan.

The Love Hurts Society

Sila ang mga ingat na ingat na ibigay ang kanilang puso. May mga bitter silang pinagdaanan sa pakikipagrelasyon. Some still suffer from loneliness and grief due to a break-up or loss of a loved one. O kaya naman ay naapektuhan sila ng masasamang karanasan sa pag-ibig ng kanilang mga kaibigan o mahal sa buhay. Kinandado at kinaha-de-yero ang puso. Nangangailangan sila ng matinding emotional rehabilitation. Sila lang ang nakakaalam kung kailan sila muling mai-inlove.

The Last Trip/Chance Passenger Clan

They are on the road to spinsterhood/bachelordom. Lampas na sila sa kalendaryo kaya nagmamadali na at umaasa na makakasama pa sila sa huling biyahe. Ang iba ay desperado na dahil stressed na sa kahihintay. Samantalang ang iba, chillax lang.

The Single-blessed Assembly

Sila ang mga kumbinsidong hindi sila tinatawag para mag-asawa at magkapamilya. You may call them different names pero hindi sila apektado ng anumang panunukso. Kayang-kaya nila harapin ang hassles ng pagiging single. They have discovered that being single is their destiny. At hindi nila pinagsisisihan iyon.

The At Iba Pa Group

Kasama rito ang mga pumipiling maging single dahil sa hindi sila naniniwala sa kasal (kaya hanggang cohabitation o live-in lang), may ibang pananaw at ugali ukol sa opposite sex (i.e. woman/man hater), o sadyang hindi pa kayang pumasok sa seryosong commitment. May mga tao ring walang kakayahang mag-asawa dahil sa kanilang pisikal na kalagayan (i.e. may “Down’s Syndrome,” o kaya yung may certain disabilities or physical limitations that will make it impossible for them to marry).

 

Aling grupo ka nakakarelate? Sa Lovestruck: Singles Edition, dinidiscuss ni Ronald Molmisa ang iba’t-ibang struggles ng mga singles at kung paano haharapin ang mga ito. Written in Taglish, pag-uusapan din sa librong ito ang online romance, courtship at pagpapakasal.  Lovestruck: Singles Edition ranks fifth in the National Book Store Bestsellers List for Philippine Publications. Mabibili din ito sa paperback sa lahat ng OMF Lit Bookshops, PCBS at National Book Stores nationwide for P75 only.

 

ABOUT THE AUTHOR

Ronald MolmisaRonald Molmisa is the best-selling author of Lovestruck and Pass or Fail? Both books reached the National Book Store Bestsellers List for Philippine Publications.  He has more than 15 years of experience in youth ministry and is currently the Head Pastor of Generation 3:16 Ministries. He has served as a professor in both Ateneo de Manila and De La Salle University, and taught also in the Rizal High School, Pasig.  He is currently Assistant Professor at the Department of Political Science, College of Social Sciences, University of the Philippines.

DOWNLOAD INSPIRATION TODAY

ipad-frame_Lovestruck

kindle_button

fliplogo1

 

 

For a complete list of OMF Lit titles in digital format, click here

 

FIND US ONLINE

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s